![]()
Bagaman tumagal lamang ng dalawang minuto ang moderately explosive eruption ng Kanlaon Volcano, sapat na ang ibinuga nitong maitim at makapal na usok at abo, pati na ang kasunod na ashfall para matakot ang mga residenteng nakatira malapit sa bulkan sa Negros Island.
Ayon sa PHIVOLCS, nagsimulang pumutok ang Kanlaon, 4:38 p.m. kahapon, na lumikha ng 2,000 meters na taas ng plumes mula sa crater.
Kabilang sa nakaranas ng matinding takot ang mga residente sa Barangay Masulog, sa Canlaon City.
Nakaranas din ng ashfall ang ilang bahagi ng barangay ma-ao sa Bago City, Negros Occidental, kung saan nabalot ng abo ang mga halaman.
Nasa ilalim ng alert level 2 pa rin ang Kanlaon Volcano, kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer permanent danger zone.
Hindi rin isinasantabi ng PHIVOLCS ang posibilidad na magkaroon ng panibagong explosive eruption kaya mahigpit nilang binabantayan ang aktibidad ng bulkan.
