![]()
NANINDIGAN si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na dapat igalang ang mga korte sa Pilipinas kaugnay ng mga kaso sa International Criminal Court (ICC). Sa gitna ito ng pagtukoy kina Senators Ronald Bato dela Rosa at Bong Go bilang ‘co-perpetrators’ sa crimes against humanity na kinakaharap ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague.
Ipinaliwanag ni Cayetano na malinaw sa diwa ng Konstitusyon na kung may kinahaharap na kaso ang isang indibidwal, maaari itong dumulog sa mga korte sa bansa.
Para sa minority leader, delikado kung basta na lang ipatutupad ang utos ng isang international court na arestuhin ang isang tao at dalhin sa ibang bansa nang hindi man lang nabibigyan ng pagkakataon na dumaan sa proseso ng hukuman sa pilipinas.
Maaari anyang masira ang constitutional framework at konsepto ng soberanya ng bansa kapag ginawang “powerless” ang mga lokal na hukuman.
