dzme1530.ph

PAGPAPABUTI SA KALUSUGAN NG MGA MAG-AARAL, TUGON SA MAHINANG ACADEMIC PERFORMANCE, AYON SA DEPED CHIEF

Loading

Binigyang diin ni Education Secretary Sonny Angara na mahalaga na mapagbuti ang kalusugan ng mga mag-aaral para matugunan ang mahinang academic performance.

 

Sinabi ni Angara na maraming mga estudyante ang nahihirapan sa pag-aaral dahil sa untreated medical conditions.

 

Aniya, karaniwang iniinda ng mga bata ay malabong mata na nakaaapekto sa kanilang pagbabasa.

 

Bukod sa mga mag-aaral, mahalaga ring tingnan ang kalusugan ng mga guro sa pagtugon sa poor academic perfomance.

 

Inihayag ng kalihim na malaking bagay ang pagpunta ng PhilHealth sa mga paaralan, sa pamamagitan ng yakap program, kung saan maaring magpa-check up ng libre ang mga guro at mga mag-aaral.

About The Author