![]()
Mas malawak na career opportunities para sa mga guro ang ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naglalayong matiyak na sustainable at dignified ang teaching profession sa bansa.
Ginawa ng punong ehekutibo ang pagtiyak sa pagdalo sa oathtaking ng mga halos 2,000 bagong teachers at school heads sa ilalim ng expanded career progression program mula sa Bulacan at Pampanga clusters.
Sinabi ng pangulo na hindi siya papayag na hindi masuklian ang sakripisyo ng mga guro kaya’t gumawa anya sila ng mga hakbangin upang mas marami pang teachers ang tumaas ang posisyon.
Ipinaliwanag ng lider ng bansa na kapag suportado ang mga guro, matitiyak ang maayos na pagtuturo na makatutulong sa mga estudyante.
