dzme1530.ph

PAGSABAK NI VP SARA SA PRESIDENTIAL ELECTIONS, UMANI NG IBA’T IBANG REAKSYON MULA SA MGA SENADOR

Loading

SAMU’T SARING reaksyon ang tinanggap ng deklarasyon ni Vice President Sara Duterte na kumandidato bilang Pangulo sa 2028 national elections. 

 

Sinabi ni Senate President Vicente Tito Sotto III na ang deklarasyon ni VP Sara ay pagkumpirma lang sa dati nang alam ng marami subalit kailangan pa rin anyang makita ang mangyayari sa October 2027 o sa panahon ng paghahain ng kandidatura.

 

Tiniyak naman ng kaalyado ng Bise Presidente na si Senador Christopher Bong Go ang buong suporta sa kandidatura nito kasabay ng paggiit na dapat maibalik ang gobyernong may tapang at malasakit na sinimulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Iginiit naman ni Senador Sherwin Gatchalian na bilang Bise Presidente ay one step na lamang VP Sara para sa pagkaPangulo at karapatan niyang kumandidato sa tingin niya ay makatutulong siya sa bansa.

 

Kapwa naman sinabi nina Go at Gatchalian na nais muna nilang magpokus sa trabaho at malayo pa ang halalan nang tanunging kung bukas silang maging runningmate ng Bise Presidente.

 

Sa panig ni Senador Erwin Tulfo, iginiit na lahat naman ay maaaring magdeklara ng kandidatura habang nagpaabot ng good luck si Senador Jinggoy Estrada.

About The Author