![]()
“Good luck.”
Ito ang tugon ng Malakanyang sa anunsyo ni Vice President Sara Duterte na tatakbo siyang Pangulo sa 2028 National Elections.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro sa briefing, na narinig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang statements ng Bise Presidente.
Kaninang umaga lamang ay inanunsyo ni VP Sara sa isang press conference ang kanyang pagkandidato bilang presidente sa susunod na halalan.
Bago ang naturang presscon, ipinag-utos ni Duterte na alisin ang logo ng Office of the Vice President sa podium.
Hindi rin ito sumagot sa anumang tanong mula sa mga reporter pagkatapos ng kanyang talumpati.
