dzme1530.ph

MAHIGIT 350 NA PULIS, IDE-DEPLOY PARA TIYAKIN ANG SEGURIDAD NG RAMADAN SA METRO MANILA

Loading

Mahigit 350 na pulis ang idedeploy para magbantay sa mga mosque at Muslim communities sa buong Metro Manila sa paggunita ng Ramadan na magsisimula bukas.

 

Ayon kay Police Major Hazel Asilo, tagapagsalita ng National Capital Region Police Office (NCRPO), wala namang partikular na banta na na-monitor kaugnay ng naturang okasyon.

 

Aniya, ipakakalat ang 354 na pulis sa 103 na mga mosque, gayundin sa 74 Islam communities sa Metro Manila.

 

Una nang inihayag ng PNP na pinaigting nila ang security measures, para sa paggunita ng mga Muslim at Kristiyano sa buwan ng Ramadan at Kwaresma.

 

Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., prayoridad nila ang police visibility at community engagement.

About The Author