![]()
Humihirit ng pisong provisional fare hike o fuel subsidy ang pasang masda sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Sa panayam ng DZME, Radyo TV, sinabi ni Pasang Masda President Obet Martin, sadyang hirap na ang mga tsuper sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng diesel ngayong taon.
Tiniyak ni Martin na sa sandaling bumaba na ang presyo ng produktong petrolyo ay handa rin silang bawiin ang dagdag pasahe.
Kasabay nito, sinabi ni Martin na nakikita nilang mas posible ang provisional fare hike sa halip na pagtanggal ng excise tax sa petroleum products dahil mas matagal itong gawin.
