![]()
Isinulong ni presidential son at House Majority Floor Leader Sandro Marcos ang isang reform measure para mapanagot ang mga pabaya at nagsasamantalang contractor at subcontractor.
Ito ang House Bill No. 2811 o “Criminalizing Negligent Contractors Act.”
Sa ilalim nito, ituturing ng krimen ang “gross negligence” sa mga proyekto ng pamahalaan na nagreresulta sa substandard at depektibong projects at nagdadala ng panganib sa kaligtasan ng publiko.
Kapag naging batas, ang sinumang indibidwal, contractors, sub-contractors, corporate officers, kawani ng gobyerno, o judicial entity na mapapatunayang “guilty” ay mahaharap sa anim hanggang labing dalawang taon pagkakakulong, o multa na hindi bababa sa P10 milyon.
Bawal na rin silang humawak o ‘perpetual disqualification’ sa ano mang gov’t position, at makilahok sa gov’t project o procurement.
Ang panukala ni Marcos ay hawak na ng Committee on Justice.
