dzme1530.ph

PAGLABAN SA MONEY LAUNDERING AT TERRORISM FINANCING, DETERMINADONG PALAKASIN NG KAMARA

Loading

Determinado ang Kamara sa pangunguna ni House Speaker Faustino Bojie Dy III, na palakasin ang paglaban sa money laundering at terrorism financing.

 

Isang pulong ang isinagawa  ng House Committee on Revision of Laws na pinamumunuan ni Rizal 2nd Dist. Rep. Dino Tanjuatco.

 

Dumalo sa pulong si Speaker Dy, Senior Dep. Speaker Ferdinand Hernandez, Reps. Bel Zamora, Dale Corvera, Irwin Tieng, at Anti-Money Laundering Council Executive Director Matthew David.

 

Ang AMLC amendment ay isa sa Common Legislative Agenda ng LEDAC, para protektahan ang integridad ng financial system, at mabilis na maalis ang Pilipinas sa FATF grey list.

 

Sa pulong agad nakabuo si Zamora, vice chairperson ng Revision of Laws Panel ng panukala na magpapalakas sa AMLC.

 

Sa panukala may malinaw at independent ng mandato ang AMLC bilang ‘central financial intelligence authority, may malawak na saklaw sa virtual asset service providers at online operators.

 

Mas malawak na poder sa imbestigasyon, pag-freeze ng kahina-hinalang assets, at pagpataw ng mas mabigat na parusa habang pinatitibay ang proseso ng forfeiture ng mga iligal na yaman para masiguro na hindi ito mapapakinabangan.

 

Sa panig ni Tanjuatco, tiniyak nito ang isang matibay na batas, ligtas na ekonomiya, at mas protektadong Pilipinas.

 

About The Author