dzme1530.ph

PAG-ARESTO KAY DATING PANGULONG DUTERTE AT PAGSUKO SA KANYA SA ICC, PINANINDIGAN NG SOLICITOR GENERAL

Loading

Pinanindigan ni Solicitor General Darlene Berberabe na kumilos ang pamahalaan, bilang pagtalima sa batas nang arestuhin si dating Pangulong Rodrigo Duterte at i-turnover sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

 

Nagbigay si Berberabe ng updates sa mga isinumite ng Office of the Solicitor General sa Supreme Court.

 

Kaugnay ito sa petition for writ of habeas corpus na inihain ng mga anak ni Duterte at petition for certiorari na may kinalaman sa pag-aresto sa dating pangulo noong March 11, 2025.

 

Sa statement, pinanindigan ng OSG na umakto ang gobyerno, alinsunod sa international law at sa section 17 ng Republic Act 9851 o The Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity.

 

Nanindigan din ang OSG na ni-respeto ang mga karapatan at pribilehiyo ng dating pangulo sa buong proseso ng pag-aresto at pag-turnover sa kanya sa ICC.

About The Author