dzme1530.ph

PANUKALANG TRIMESTER SYSTEM SA BASIC EDUCATION, KAILANGANG PAG-ARALANG MABUTI

Loading

DAPAT munang pag-aralang mabuti ang ipinapanukalang trimester system sa basic education.

 

Ito ang iginiit ni Senador Sherwin Gatchalian sa gitna ng pagsuporta niya sa pahayag ng Malakanyang na dapat magkaroon ng public consultation sa plano ng Department of Education.

 

Sinabi ni Gatchalian na dapat tiyakin munang ang planong trimester system ay magbunga ng mas mahusay na pagkakatuto sa mga mag aaral.

 

Gayundin, dapat na matiyak na hindi ito magpapahirap sa mga guro at principal ang sistema at hindi ito dapat maging dagdag trabaho sa kanila.

 

Una rito sinabi ng Malacañang na nasa proposal stage pa ang panukalang trimester system kaya makabubuting magsagawa muna ng pag aaral at konsultasyon kung dapat na itong ipatupad.

About The Author