![]()
Pinagtibay ng Pilipinas at Estados Unidos ang kanilang alyansa para mapigilan ang Maritime Conflict sa West Philippine Sea.
Pahayag ito ng US Embassy sa gitna ng patuloy na panghihimasok ng China sa pinagtatalunan teritoryo.
Nagpulong ang mga kinatawan ng dalawang bansa para sa 12th Philippines-United States Bilateral Strategic Dialogue, tinalakay ang isyung political, security, and economic cooperation.
Gayundin ang iba’t ibang challenges, Bilateral Strategic Priorities, at bagong collaborative initiatives.
Binigyang diin ng US Embassy na mahalaga ang collective defense upang mapigilan ang karahasan saan mang panig ng First Island Chain.
Ang First Island Chain ay binubuo ng mga teritoryo na nasa ilalim ng kontrol ng regional allies ng Amerika, kabilang ang Pilipinas.
