dzme1530.ph

CBCP, HINIMOK ANG MGA DEBOTO NA MAG-FASTING MULA SA DIGITAL MEDIA SA KWARESMA

Loading

Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga debotong katoliko na ngayong Semana Santa, mag-fasting hindi sa pagkain, kundi sa sobrang paggamit ng cellphones at social media.

 

Sa pastoral letter, sinabi ng CBCP na bahagi rin ng fasting ang pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot ng distraction sa pagiging malapit sa Panginoon.

 

Sa pamamagitan ng fasting sa digital media, mararanasan muli ang katahimikan, makapagdarasal, makapag-iisip, at mapagtitibay ang relasyon sa mga mahal sa buhay.

  

Kabilang sa mga paraan ng pagsasagawa ng  digital media fasting ay pag-iwas sa paggamit ng cellphone bago matulog at paggising; limitahan ang social media at streaming time; pairalin ang device-free meals at gatherings; at alisin ang nakadi-distract na apps sa phone.

About The Author