dzme1530.ph

SEN. JINGGOY ESTRADA, INISYUHAN NG HDO NG KORTE KAUGNAY NG FLOOD CONTROL SCANDAL

Loading

Nag-isyu ng Precautionary Hold Departure Order ang Manila Regional Trial Court Branch 52 laban kay Senador Jinggoy Estrada sa plunder complaint na nakahain sa Department of Justice kaugnay sa flood control anomalies. 

 

Bukod kay Estrada, saklaw din ng kautusan sina dating Public Works Secretary Manuel Bonoan, mga dating Undersecretaries na sina Maria Catalina Cabral at Roberto Bernardo kasama sina dating DPWH Regional Director Gerard Opulencia at dating District Engineer Henry Alcantara. 

 

Nakasaad sa kautusan ng Korte na may probable cause upang paniwalaan na posibleng lumabas ng bansa ang mga respondents para maiwasan ang pag-aresto at prosecution sa kanilang kaso. 

 

Nilinaw naman ni Justice Spokesperson Polo Martinez na hindi ito nangangahulugan na nadesisyunan na ang kasong plunder laban sa kanila.

 

Ipinaliwanag din ni Martinez na ang plunder complaint laban sa kanila ay hindi nakapako sa isang proyekto o lokalidad sa halip alegasyon ito ng pagkamal ng ill gotten wealth na mahigit sa P50 million sa iba’t ibang transaksyon.

About The Author