![]()
Nagsumite ang Department of Public Works and Highways sa Ombudsman ng mga dagdag pang pangalan ng high profile individuals na konektado sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan at Davao Occidental.
Sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na laman ito ng isinumite nilang bagong manifestations sa Ombudsman, dalawang linggo na ang nakalilipas.
Idinagdag ni Dizon na ayaw niyang pangunahan ang Ombudsman subalit inaaasahang may iaanunsyo ito hinggil sa bago nilang manifestations.
Bukod dito, isa pa anyang manifestation ang plano nilang isumite sa Ombudsman kaugnay naman sa kaso sa Cebu.
Tinyak ni Dizon na nagpapatuloy ang kanilang koordinasyon sa Ombudsman kaugnay sa imbestigasyon sa flood control anomalies.
