![]()
Suspendido ang klase sa ilang paaralan sa bansa ngayong Lunes, Nobyembre 24, dahil sa posibleng epekto ng malalakas na pag-ulan mula sa Tropical Depression Verbena.
Walang pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan, at susundin ang alternative learning modality sa mga sumusunod na lugar: Albay; Sorsogon City; Castilla, Sorsogon; Bacolod City; Tagbilaran City, Bohol; Pilar, Bohol; at Mandaue City, Cebu.
Wala ring klase sa lahat ng antas sa: San Jose, Camarines Sur; Silay City, Negros Occidental; Panglao, Bohol; Cebu City; Lapu-Lapu City, Cebu; at Gingoog City, Misamis Oriental.
Pinalawig hanggang bukas, Nobyembre 25, ang class suspension sa lahat ng antas sa: San Carlos City, Negros Occidental; Calatrava, Negros Occidental; Talisay City, Cebu; at Naga City, Cebu.
