dzme1530.ph

5 ghost farm-to-market road, natuklasan ng DA

Loading

Kinumpirma ni Sen. Kiko Pangilinan na natuklasan ng Department of Agriculture na sa 1,000 farm-to-market road projects, lima ang ghost o guni-guni lamang.

Sa deliberasyon sa panukalang budget ng Department of Agriculture, tinukoy ni Pangilinan ang report ni DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na mayroon pang 4,700 farm-to-market roads na ginawa ng DPWH na isinasailalim pa sa audit, na inaasahang matatapos sa unang quarter ng susunod na taon.

Kinumpirma ni Pangilinan na dahil sa katiwalian, tatapyasin ng Senado mula sa DPWH ang P16-B na budget para sa farm-to-market roads.

Ililipat aniya ang pondo sa DA, na naatasan nang magpagawa ng mga kalsada, at bibigyan din ng permiso na ipagawa ito sa mga kwalipikadong local government units.

Una nang ibinunyag ni Sen. Sherwin Gatchalian na extremely overpriced ang maraming farm-to-market roads na ipinagawa ng DPWH noong 2023 at 2024.

About The Author