![]()
Walang balak si Sen. Raffy Tulfo na tanggapin ang pamumuno sa Senate Blue Ribbon Committee kapalit ni Senator Panfilo Lacson.
Ayon kay Tulfo, kapag pormal nang ialok sa kanya ang posisyon, ay agad niya itong tatanggihan.
Ipinaliwanag ng senador na ayaw niyang mawalan ng pokus sa tatlo pang kumite na kanyang pinamumunuan kabilang ang Committees on Labor, Migrant Workers, at Public Services.
Nagpasalamat naman ito sa mga kasamahan sa Senado sa pagkonsidera sa kanya para sa nasabing posisyon.
Una na ring sinabi ni Sen. JV Ejercito na tatanggihan din nito ang chairmanship sakaling ialok ito sa kanya.
Samantala, nananatiling umaasa si Sen. Kiko Pangilinan na muling pag-iisipan ni Lacson ang kanyang pagbibitiw, dahil wala naman umano sa mga senador ang nagnanais na palitan ito.
Inaasahang magsasagawa ng caucus ngayong tanghali ang majority bloc ng Senado upang pagdesisyunan ang usapin.
