dzme1530.ph

DPWH magsasagawa ng reblocking at repair works sa ilang kalsada sa Metro Manila

Loading

Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng road reblocking at repair works sa iba’t ibang pangunahing kalsada sa Metro Manila simula ngayong Biyernes.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimula ang mga pagkukumpuni mamayang alas-11 ng gabi at tatagal hanggang alas-5 ng umaga sa September 29.

Apektado ang 19 road sections sa Quezon City, Caloocan at Makati. Tiniyak ng MMDA na magiging fully passable ang lahat ng apektadong kalsada pagsapit ng Lunes.

Pinayuhan din ng ahensya ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta upang maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko.

About The Author