dzme1530.ph

Pagtanggap ni Sen. Escudero ng kickbacks sa mga proyekto ng DPWH, idinetalye ni DPWH Usec. Bernardo

Loading

Idinetalye pa ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo ang pagsasangkot niya kay Senador Chiz Escudero sa umano’y pagtanggap ng komisyon mula sa mga proyekto ng ahensya.

Sa kanyang supplemental affidavit, binanggit ni Bernardo ang naging transaksyon umano niya kay Escudero.

Ayon kay Bernardo, noong dumalo siya sa confirmation hearing ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan noong 2022, pinatawag ito ni Escudero sa opisina nito. Sa kanyang salaysay, sinabi raw ng senador na hindi na siya bababa sa Commission on Appointments hearing kasabay ng pahayag na marami pang kulang na streetlight sa Sorsogon.

Dagdag ni Bernardo, nagbigay umano siya ng ₱160 milyon kay Escudero sa pamamagitan ni Meynard Ngu noong unang quarter ng kasalukuyang taon. Idinagdag pa niya na nagkita pa sila ni Escudero at Ngu noong Hulyo, kung saan sinabi umano ng senador na alam niya ang galawan sa DPWH at inutusan siya na iparating kay Secretary na magbaba ng proyekto sa kanya.

Idinetalye rin ni Bernardo ang sistema umano ng katiwalian sa DPWH na aniya’y hinahanapan ng paraan ng ilang senador kung paano mabubura.

About The Author