Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na isasara ang bahagi ng North Avenue sa Quezon City mula Setyembre 24 hanggang Nobyembre 30, 2025 upang bigyang-daan ang konstruksyon ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7).
Ayon sa traffic advisory ng DOTr, sarado ang lane ng North Avenue patungong Elliptical Road sa loob ng 24 oras bawat araw habang isinasagawa ng SMC Mass Rail Transit 7 Inc. ang paghuhukay para sa pedestrian tunnel ng Quezon Memorial Circle Station.
Pinayuhan ang mga motorista at commuters na gumamit ng alternatibong ruta, habang naglabas din ang ahensya ng detalyadong rerouting schemes bilang gabay ng publiko.