dzme1530.ph

Internal cleansing sa Blue Ribbon Committee, prayoridad ni Sen. Lacson

Loading

Iginiit ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na prayoridad niya ang internal cleansing sa pamumuno nito sa Senate Blue Ribbon Committee.

Pahayag ito ni Lacson matapos maiugnay ang umano’y staff ni Sen. Jinggoy Estrada sa pangongolekta ng lagay para sa flood control projects, na kalauna’y kinilalang staff ng Blue Ribbon Committee.

Giit ng senador, kailangang tiyakin na malinis ang komite dahil ito ang pangunahing bantay laban sa maling gawain sa pamahalaan.

Dagdag nito, nais muna niyang malaman kung nag-iisa lamang si “Beng Ramos” sa komite bago tuluyang ayusin ang operasyon ng Blue Ribbon.

Matatandaang nang maging hepe ng PNP ang senador, pinangunahan din nito ang internal cleansing upang mapanatili ang integridad ng pulisya.

About The Author