Walang basehan para ikulong ang drug war whistleblower na si dating Police Colonel Royina Garma, ayon kay NBI Director Jaime Santiago.
Paliwanag ni Santiago, wala kasing active warrant of arrest si Garma kaya’t ang magagawa lamang ng NBI ay tiyakin ang kanyang seguridad.
Kinumpirma rin ng opisyal na nakausap niya si Garma sa NAIA bago ito lumipad patungong Malaysia noong weekend.
Si Garma, na nagbunyag ng umano’y reward system sa drug war ng dating Pangulong Rodrigo Duterte, ay kakauwi lamang mula U.S. noong Sabado, ngunit agad ding lumabas ng bansa kinabukasan para makipagpulong umano sa mga opisyal ng International Criminal Court (ICC).