dzme1530.ph

Hiling ni PBBM sa kanyang kaarawan, “wala nang gutom na Pilipino”

Loading

Hiling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang kaarawan na bumuti ang buhay ng mga Pilipino at patuloy na makatulong ang mga proyekto ng pamahalaan sa mahihirap.

Nakatakdang ipagdiwang ng Pangulo ang kanyang ika-68 kaarawan sa Sabado, Setyembre 13.

Ayon kay Marcos, hindi nagbabago ang kanyang birthday wish simula nang siya’y maging pangulo ito ang matupad ang pangarap na wala nang Pilipinong magugutom.

Kaugnay nito, ipinapatupad ng administrasyon ang “Walang Gutom Program”, kung saan ang mahihirap na pamilya ay tumatanggap ng ₱3,000 food credits kada buwan sa pamamagitan ng electronic benefit transfer cards.

About The Author