dzme1530.ph

Magnitude 5.1 na lindol, yumanig sa Calaca City, Batangas

Loading

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol kaninang 12:43 AM ang lungsod ng Calaca sa Batangas, ayon sa PHIVOLCS.

May lalim na 10 kilometro ang lindol at tectonic ang pinagmulan.

Nararamdaman ang Intensity V sa Calaca City, Batangas;

Intensity IV sa Alitagtag at Cuenca, Batangas, at Tagaytay City, Cavite;

Intensity III sa Quezon City, Santa Rosa, Laguna; at Puerto Galera, Oriental Mindoro;

Intensity II sa Makati, Malabon, Hermosa (Bataan), Cainta (Rizal), at Calapan City, Oriental Mindoro;

Intensity I naman sa Biñan, Cabuyao, San Pedro, Laguna, at Baco, Oriental Mindoro.

Sinabi ng PHIVOLCS na inaasahan ang posibleng pinsala at mga aftershocks matapos ang pagyanig.

About The Author