dzme1530.ph

Ilang pulis na sangkot sa nawawalang sabungero probe, may nauna nang kaso —PNP-IAS

Loading

Inihayag ni PNP-Internal Affairs Service Inspector General Atty. Brigido Dulay na may mga nauna nang kasong administratibo ang ilan sa 12 pulis na iniugnay sa pagkawala ng mga sabungero.

Ayon kay Dulay, lagpas kalahati sa nasabing mga pulis ay may record na ng administrative case bago pa man pumutok ang isyu ng mga nawawalang sabungero.

Gayunpaman, nilinaw ng opisyal na wala pa silang matibay na pagtutugma kung ang mga naunang kaso ay may direktang kaugnayan sa extra judicial killings o sa pagkawala mismo ng mga sabungero.

Matatandaang nitong Martes, sinampahan na ng kasong administratibo ng NAPOLCOM ang 12 pulis na isinangkot ni Julie Patidongan, alyas “Totoy,” sa kontrobersya ng mga nawawalang sabungero.

About The Author