Nanawagan si Sen. Sherwin Gatchalian sa mga lokal na pamahalaan na paigtingin ang kampanya kontra malnutrisyon ngayong Nutrition Month.
Binigyang-diin ng senador ang pagpapalawak ng feeding programs, access sa nutrition services, at suporta sa kabuhayan ng mga pamilya bilang pangmatagalang solusyon.
Mahalaga rin aniya na maipatupad ang mga programa sa ilalim ng Early Childhood Care and Development System, partikular na ang mga may kinalaman sa nutrisyon.
Giit ni Gatchalian, ang laban para sa edukasyon ay laban din kontra malnutrisyon.