dzme1530.ph

Mga pamilyang Pinoy nakaranas ng gutom, bahagyang tumaas sa 20% noong Abril, ayon sa SWS survey

Loading

Bahagyang tumaas sa 20% ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng gutom hanggang katapusan ng Abril, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ang pinakabagong pigura ay nakuha ng SWS sa kanilang first quarter 2025 survey na isinagawa mula April 23 hanggang 28, 2025.

Sa paglalarawan ng polling firm, ang voluntary hunger ay pagsala sa pagkain ng isang beses sa nakalipas na tatlong buwan dahil walang makain.

Ang latest hunger rate ay bahagyang mas mataas kumpara sa 19.1% na resulta ng April 11 to 15, 2025 survey, kasunod ng 8.1-point na pagbaba mula sa 27.2% noong March 2025.

Idinagdag ng SWS na ang 20% hunger rate sa pinakahuling survey ay kabuuan ng 16.4% na nakaranas ng “moderate hunger” at 3.6% na dumanas ng “severe” o matinding gutom.

About The Author