dzme1530.ph

Online counseling sessions, ipinagkaloob ng DOH sa mga OFW sa Israel at Iran

Loading

Nagbigay ang Department of Health (DOH) ng online counseling sessions para sa may 60 mga Pilipino sa Israel, kung saan ramdam pa rin ang pangamba na muling sumiklab ang tensyon laban sa Iran, sa kabila ng ceasefire.

Kumuha ang DOH ng mental experts mula sa Mariveles Mental Health and Wellness General Hospital para magbigay ng psychological debriefing at first aid para sa mga apektadong Pinoy.

Sa online counseling session, sinabi ni Health Sec. Ted Herbosa na nauunawaan nila ang pagkabalisa at takot ng lahat.

Tiniyak din ng Kalihim sa mga Pinoy na nasa ibayong dagat, na hindi sila nag-iisa kahit sila ay malayo, dahil mayroong mga tutulong at magpapalakas sa kanilang kalooban.

About The Author