Inakusahan ni House prosecution spokesman Atty. Antonio “Audie” Bucoy, ang tagapagsalita ng Senate impeachment court ng paglampas sa kanyang tungkulin o ‘crossing the line.’
Punto ni Atty. Bucoy, tagapagsalita si Atty. Reginald Tongol ng Senate impeachment court, at hindi ng nasasakdal.
Hindi nagustuhan ni Bucoy ang sinabi ni Tongol sa isang TV interview, na kung siya si Vice President Sara Duterte, magpa-file ito ng motion to dismiss the case.
Mistulan umanong ipinahihiwatig at tine-telegraph ni Atty. Tongol sa kampo ni Duterte ang mga dapat gawin, samantalang maaari lamang itong magsalita para sa impeachment court.
Aniya ‘grossly inappropriate ito, dahil lumilitaw na nag-aabogado si Tongol sa Pangalawang Pangulo.
At tila sinusundan umano ni Tongol ang yapak ng ilang biased senators kagaya ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, na tumayong judge, subalit isinusulong ang pag-dismiss ng kaso.