Pinuri ni 4Ps party-list Rep. Marcelino Nonoy Libanan, ang mga senador na tahimik lamang sa isyu, ng impeachment case ni VP Sara Duterte.
Para kay Libanan, na tumatayong head ng House prosecution team, tanda ito ng propesyonalismo, disiplina at paggalang sa proseso.
Para sa Minority leader, ang pananahimik sa isyu na highly politicize ay hindi nangangahulugan ng kawalang aksyon, bagkus tanda ito ng pagiging propesyonal.
Maging ang mga senador, na umiiwas sa ‘grandstanding’ sa harap ng publiko, ay nakatutulong umano sa pagpapanatili sa kredibilidad ng impeachment process.
Batid umano ng mga senador na ang Senado, bilang impeachment court ay constitutional tribunal, at hindi lugar para sa political theater.
Hindi man nito pinangalanan, pero sinabi ni Libanan na sana tularan ng ilang senador ang kanilang mga kasamahan na may disiplina sa sarili, at maingat sa mga sinasabi.