dzme1530.ph

Paglalagay ng busway sa España Blvd hanggang Quezon Ave, pinag aaralan ng DOTr

Loading

Pinag-aaralan ng Dep’t. of Transportation (DOTr) ang posibleng paglalagay ng busway sa ruta ng España Boulevard hanggang Quezon Avenue, kahalintulad ng EDSA Model.

Ayon kay DOTr Sec. Vince Dizon, kasalukuyang nagsasagawa ng feasibility study ang kanilang ahensiya, na inaasahang makumpleto sa 2026, para sa pagsasakatuparan ng naturang plano.

Kinikilala anila ang kakulangan ng mga bus mula Maynila hanggang Quezon City, na maaari sanang magamit ng mga nagko-commute na estudyante.

Samantala, kumpiyansa naman ang DOTr Chief na magiging operational ang tatlong operational stations ng Metro Manila Subway Project bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na makatutugon sa pangangailangan ng mga komyuter.

About The Author