dzme1530.ph

Senado, hindi maaaring magconvene bilang impeachment court nang walang notice sa prosecution at defense panels

Loading

Malabo para kay Sen. Joel Villanueva na mag-convene ang Senado bilang impeachment court nang hindi napapadalhan ng notice ang prosecution at defense panels.

Ito ay kasunod ng plano ng Senate Minority Bloc na hilingin na ang agarang pagko-convene ng impeachment court.

Ipinaliwanag ni Villanueva na bahagi ng due process ang pagbibigay ng notice sa lahat ng sangkot sa impeachment proceedings kung sisimulan na ang proceedings.

Nilinaw ng senador na pabor siya sa pagko-convene na ng impeachment court lalo na’t kasama sa mandato nila bilang Senado ang maging impeachment judges.

Nanindigan din ang senador na naniniwala siyang maaaring tumawid sa 20th Congress ang impeachment trial laban kay VP Sara.

Samantala, kinumpirma ni Sen. Robin Padilla na na mayroon din siyang hiwalay na resolution na ihahain upang ipabasura ang impeachment complain.

Tumanggi naman si Padilla na idetalye ang kanyang resolution.

Batay naman sa pahayag ng source, pitong senador ang sumusuporta sa resolution kasama sina Senators Bong Go, Bato dela Rosa, Imee Marcos, Francis Tolentino at mag-inang Cynthia at Mark Villar.

About The Author