dzme1530.ph

LTO, pinagpapaliwanag ang 200 driving schools kaugnay ng tampered computer systems

Loading

Inatasan ng Land Transportation Office (LTO) ang mahigit 200 driving schools sa buong bansa na magpaliwanag hinggil sa umano’y pag-tamper sa kanilang computer systems para ma-accommodate ang mahigit na bilang ng mga estudyante na pinapayagan kada araw.

Ayon sa LTO, inisyuhan ng show cause orders ang mga driving school bunsod ng iba’t ibang paglabag, kabilang na ang issuance ng driving course certificates, kahit hindi pa nakumpleto ng aplikante ang required na bilang ng oras.

Pinagpapaliwanag din ng ahensya ang 88 district heads na nakasasakop sa 200 driving schools kung bakit pinayagan nila ang mga ito sa mga naturang aktibidad at bakit hindi pa rin nareresolba ang problema.

Noong nakaraang buwan ay sinuspinde ng LTO ang 100 driving schools bunsod ng hindi pagsipot o hindi pagtalima sa proper theoretical driver’s training.

About The Author