NAKIISA si Senador Sherwin Gatchalian sa pagkilala sa pagsasakripisyo at katatagan ng mga Overseas Filipino Workers upang iangat ang kabuhayan ng kanilang pamilya.
Sinabi ni Gatchalian na ngayong Migrant Workers’ Day, dapat lamang bigyang parangal ang mga bagong bayani ng bayan.
Idinagdag ng senador na dapat silang ituring na huwarang Pilipino sa buong mundo.
Kasabay nito, ipinaalala ni Gatchalian na habang may mga OFW na nagsisikap apra sa kanilang pamilya, may mga indibidwal din na nagdurusa.
Ito ay ang mga nabibiktina ng trafficking, exploitation at mga nakukulong sa ibang bansa.
Kaya naman nanawagan si Gatchalian sa gobyerno na palakasin ang bilateral agreements sa ibang bansa, palakasin ang tulong sa mga manggagawang Pinoy at paigtingin kampanya laban sa illegal recruiters.
Dapat anyang tiyakin na walang OFW ang mapag-iiwanan o makakalimutan.