dzme1530.ph

Malakanyang at Business sector, dapat konsultahin na agad ng Kongreso sa legislated minimum wage hike bill

Loading

INIREKOMENDA ni Senador JV Ejercito na dapat alamin na ng mga mambabatas ang stand ng Malakanyang at ng business sector sa P100 o P200 na umento sa minimum wage.

 

Ito ay upang matiyak na hindi mave-veto ang anumang ipapasa nilang bersyon ng legislated wage hike at masigurong matutulungan ang mga manggagawa.

 

Ipinaliwanag ni Ejercito na malinaw na kailangan na ng dagdag sahod ng mga minimum wage earners upang matugunan nila ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

 

Subalit dapat din anyang matiyak na may balanse ang halagang kanilang aparubahan upang matiyak na kakayanin din ng mga negosyante ang pagkakaloob ng dagdag sahod.

 

Una nang inaprubahan ng Kamara ang pagdaragdag ng P200 sa minimum wage habang sa Senado ay noong isang taon pa naipasa ang P100 legislated minimum wage hike bill.

 

Sinabi ni Ejercito na bagama’t ilan sa mga senador ang bukas sa ideya na iadopt ang bersyon ng Kamara, iginiit niyang dapat matiyak na hindi rin maibabasura ng Malakanyang ang panukala.

About The Author