dzme1530.ph

Mga kwestyonableng paggalaw sa 2025 national budget, titiyaking hindi na mauulit

Loading

HINDI pa man pormal na nakakabalik sa Senado, sinimulan na ni Senator-elect Panfilo ‘Ping’ Lacson ang pagrepaso sa naging proseso sa pagbalangkas ng 2025 General Appropriations Act.

 

Ito ay upang matiyak na hindi mauulit ang kwestyonableng pagkatay sa budget bill para sa susunod na taon.

 

Sinabi ni Lacson na binubusisi nila ang mga paggalaw sa budget bill, mula National Expenditure Program (NEP) hanggang sa bersyon ng budget bill sa Kamara, Senado at bicameral conference committee, hanggang sa enrolled bill.

 

Isa sa kwestyonable para kay Lacson sa 2025 budget ay ang pagtanggal ng ₱50 bilyon sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa bicameral conference committee at kung saan ito napunta.

 

Binanggit din ni Lacson ang pagsingit ng ₱26 bilyon para sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) kahit wala ito sa bersyon ng budget bill sa Kamara at Senado.

 

Hinati ng liderato ng Senado at Kamara ang halaga kung saan ang ₱21 bilyon sa Kamara at ₱5 bilyon sa Senado.

About The Author