dzme1530.ph

Suporta ng Kamara sa “religious freedom”, tiniyak

Loading

Siniguro ni House Speaker Martin Romualdez ang buong suporta sa “religious freedom” kasabay ng pagdiriwang ngayon ng Eid Al-Adha.

Ang Eid Al-Adha o Feast of Sacrifice ay sagrado sa relihiyong Islam dahil kinikilala nila ang malalim na pananampalataya.

Bilang leader, asahan umano ang suporta ng Kamara sa mga polisiya na kumikilala sa religious freedom kahit magkakaiba sa paniniwala.

Saad pa ni Romualdez, “ang Eid Al-Adha ay paalala ng pananampalataya, paninindigan, sakripisyo, at sa pagsasabuhay ng kapistahang ito, hangad niya ang mas matatag na pagkakaisa ng lahat bilang isang sambayanan.

About The Author