Mahigit 216,000 na trabaho ang bubuksan sa nationwide job fairs ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa Labor Day.
Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na isasagawa ang job fairs sa animnapu’t siyam na lugar sa bansa, na lalahukan ng 2,281 employers.
Ayon sa kalihim, target din nilang mahigitan ang bilang ng job vacancies noong nakaraang taon, kaya inaasahang madaragdagan pa ang mga alok na trabaho bago sumapit ang Mayo Uno.
Nasa labing apat na fair sites ang matatagpuan sa National Capital Region, kung saan labindalawa rito ay bubuksan sa May 1 habang dalawa sa May 2.