dzme1530.ph

Buong Alyansa, magtutulong-tulong upang maipanalo ang mga napag-iiwanang kasamahan nila sa mga top senatoriables

Loading

MAGTUTULONG-TULONG ang mga nangungunang kandidato ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas upang mabitbit sa winning circle ang kanilang mga kasamahang napag-iiwanan sa surveys.

 

 

 

Hindi man direktang pinangalanan, tinukoy sina dating DILG Secretary Benhur Abalos at Senate Majority Leader Francis Tolentino sa hindi naisasama sa mga survey.

 

 

 

Sinabi ni ACT CIS Partylist Rep Erwin Tulfo na consistent sa top senatorial bets sa mga survey na maging sa kani-kanilang lakad ay isinasama nila sa kanilang kampanya ang mga kasamahan nilang naiiwan.

 

 

 

Inilarawan ni Tulfo si Tolentino na boses ng Senado laban sa China habang si Abalos naman ay may malawak na karanasan sa pagsugpo sa krimen.

 

 

 

Ang mga kwalipikasyong anyang ito ang kailangan sa Senado upang maitaguyod ang mga polisiya at batas para sa kapakanan ng bansa.

About The Author