Limang lugar sa bansa ang inaasahang makararanas ng “danger-level” na heat index o damang init, ngayong Biyernes.
Batay sa bulletin ng Pagasa, tinatayang aabot sa 44°C ang heat index sa Sangley Point sa Cavite City habang 43°C sa Dagupan City sa Pangasinan.
Inaasahan naman ang 42°C na damang init sa Tayabas City sa Quezon; Roxas City sa Capiz; at Dumangas sa Iloilo.
Sa Metro Manila, posibleng maranasan ang 40°C na heat index sa NAIA Pasay City habang 38°C sa Science Garden sa Quezon City.