dzme1530.ph

Publiko, hinimok na magnilay-nilay bilang paghahanda sa Semana Santa

Loading

Ipinaalala ni Sen. Alan Peter Cayetano na dapat maglaan ang publiko ng oras para sa pagninilay-nilay bilang preparasyon sa Semana Santa.

Ikinumpara pa ni Cayetano ang paghahanda para sa Semana Santa sa paghahanda kapag may makakaharap na iginagalang na personalidad, na nangangailangan ng seryosong physical, mental, at emotional na preparasyon.

Ipinayo ng senador na suriin ang sarili – mula spiritual, mental, emotional, hanggang physical – bilang paghahanda sa Semana Santa.

Maganda aniyang unahin ang pisikal na aspeto para hindi ito makaistorbo sa mas malalim na pagninilay.

Binigyang-diin din ng senador ang kahalagahan ng pakikipag-ayos sa kapwa, batay sa aral ni Hesukristo.

About The Author