PITX, nagbabala laban sa pekeng website bago ang Semana Santa

dzme1530.ph

PITX, nagbabala laban sa pekeng website bago ang Semana Santa

Loading

Binalaan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang publiko laban sa pekeng website, na maaring pag-book-an ng mga biyahero para sa papalapit na Semana Santa.

Sa Facebook post, sinabi ng PITX na ang website na “PITX.Online” ay hindi konektado sa kanila.

Inihayag ng transport hub na ang kanilang official website ay pitx.ph.

Kasabay nito ang paalala sa publiko na mag-ingat sa pagbu-book ng kanilang biyahe pauwi sa mga probinsya.

Mas makabubuti rin na bumili na lamang ng ticket sa mismong terminal o bus company upang matiyak na safe ang kanilang pera at personal information.

About The Author