Naglabas ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng isang Notice to Airmen (NOTAM) para sa mga flight malapit sa Mt. Kanlaon, na may vertical limit 22,000 feet mula sa ibabaw ng bulkan.
Ayon sa CAAP ang NOTAM ay magkakabisa mula ngayong araw Abril 8, 2025 ng 8:20 AM hanggang 5:51 AM ng Abril 9, 2025.
Pinapayuhan ang mga fight operator na iwasan ang paglipad malapit sa bulkan dahil sa mga potensyal na panganib na makuha mula sa abo ng bulkan.