dzme1530.ph

4 na lalaking umabuso sa isang lola na may kapansanan, pinasasampahan ng kaso

Loading

Inamin ni Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo Ompong Ordanes, na halos madurog ang kanyang puso sa viral na video ng apat na kalalakihan na pinaglalaruan ang kanilang lola na may kapansanan.

Bunsod nito, hinikayat ni Ordanes ang PNP at DOJ Prosecutor Rizal na hanapin ang mga kalalakihan sa video at sampahan ng kaso.

Ang masakit sa kongresista, ang apat na lalaking umabuso ay kaanak din ng nasabing lola.

Nanawagan din si Ordanes kay PNP Chief General Rommel Marbil na palawakin ang saklaw ng PNP Women’s and Children’s Desk at isama na ang senior citizens at person with disabilities.

Hiniling din ng kongresista sa Antipolo City Office of the Senior Citizens Affair na tutukan ang isyu para masigurong mapananagot ang mga umabuso, habang ang lola ay mailalagay sa wastong lugar sa pangangalaga ng DSWD.

About The Author