dzme1530.ph

Mahigit 2M pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX sa Semana Santa

Loading

Mahigit dalawang milyong pasahero ang inaasahang dadagsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Semana Santa, para umuwi sa kani-kanilang mga probinsya o mamasyal sa Metro Manila.

Sinabi ni PITX Spokesperson Jason Salvador na maaga silang naghanda para sa nalalapit na Holiday exodus dahil posibleng sa Miyerkules pa lang, April 9, Araw ng Kagitingan, ay magsisimula nang magsi-biyahe ang mga pasahero.

Sa pagtaya ni Salvador, posibleng umabot sa 2.3 milyong pasahero ang gagamit ng PITX simula April 9 hanggang sa pagtatapos ng Mahal na Araw.

Idinagdag ng PITX official na ang pinakadagsa naman ng mga biyahero ay sa Miyerkules Santo at Huwebes Santo para sa mga hindi nakapag-leave sa trabaho.

 

 

About The Author