dzme1530.ph

Mga nanay sa Taytay, binigyang-pugay; TRABAHO partylist magbibigay ng medical allowance

Loading

Kinilala at binigyang-pugay ng TRABAHO partylist ang mga nanay sa Taytay, Rizal at ipinabatid sa mga ito ang mithiin ng grupong mapagkalooban ang mga nanay sa buong Pilipinas ng karagdagang-benepisyo.

Ayon kay TRABAHO partylist nominee Ninai Chavez , medical allowance ang prayoridad na ipagkakaloob sa mga nanay dahil pati ang kanilang mga anak ay makikinabang din sa benepisyong ito.

Hindi rin umano pababayaan ang solo parents na tumatayong parehong nanay at tatay sa kanilang mga anak.

Pinapurihan ng TRABAHO, bilang 106 sa balota, ang kasipagan ng mga nanay- na matapos magtrabaho mula umaga hanggang hapon ay magagawa pa ring magsilbi sa kanilang tahanan at pamilya.

Pinuri rin ng grupo si Konsehal Ninay De Leon Mercado sa kanyang mga proyekto para sa kababaihan ng Taytay, Rizal bilang parte ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Kababaihan.

About The Author