Hinimok ni Sen. Sherwin Gatchalian ang Bureau of Immigration (BI) na magpatupad ng mas mahigpit na deportation protocol para sa mga dating manggagawa ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), na ipinagbawal sa simula ng taong ito.
Inihalimbawa ni Gatchalian ang polisiya na payagang mag-layover flight ang mga ipadedeport dahil maaaring gamitin nila ang pagkakataon para tumakas at umiwas sa pananagutan at posibleng bumalik sa kanilang mga kriminal na gawain.
Nais ng senador na baguhin ng Bureau of Immigration ang patakaran nito at ibalik na lang agad ang deportees sa kanilang bansang pinanggalingan para doon sila litisin.
Sinabi rin ng senador na maraming POGO deportees ang may koneksyon at paraan para makaiwas sa mga awtoridad kung gugustuhin nila.
Sa impormasyon ng senador, noong March 7, nasa 21 deportees ang dapat ihahatid pabalik sa China ngunit sa halip ay na-divert ang flight sa Kuala Lumpur at kalaunan ay pumunta sa Cambodia.