dzme1530.ph

Oral arguments sa PhilHealth, national budget at MIF, ni-reschedule ng Supreme Court

Loading

Inanunsyo ng Supreme Court na ni-reschedule nito ang oral arguments para sa mga petisyon kaugnay ng paglipat ng pondo ng PhilHealth, 2025 National Budget, at Maharlika Investment Fund (MIF) of 2023.

Sa press briefing, sinabi ni SC Spokesperson, Atty. Camille Ting na ang oral arguments sa petisyon na pigilan ang paglipat ng sobrang pondo ng PhilHealth sa National Treasury ay isasagawa sa April 2 at 3, pati na sa April 4 kung kinakailangan.

Gaganapin aniya ito sa Baguio City.

Samantala, ang oral arguments para sa petisyon na kumukwestyon sa 2025 General Appropriations Act ay iniurong sa May 19.

Itinakda naman ang oral arguments para sa petisyon na humihiling na ideklarang unconstitutional o labag sa batas ang MIF sa July 8 at 9.

About The Author